Ang problema'y dumarami
Lagi kang nakikisali
Ano bang iyong sinasabi
Hindi na bali
Pang-gulo ka sa isipan
Ako'y iyong pinahihirapan
Bullshit ka, putang ina
Pwede bang lumayo ka na
Kamakailan lang ay aking napag-isipan
Na ang mga katulad mo ay dapat kalimutan
Bumalik kana sa iyong pinanggalingan
Demonyo sa aking isipan
Kung san masikip sisiksik walang ginawa
Kung hindi maghasik ng kadiliman
Ako'y sinasaniban, kunting gusot dumadami
Problema ay lumalaki, lumayas ka oh pwede
Ba, demonyo
Dahan-dahang lumalapit
Bumubulong at nang-aakit
Inilalayo sa langit
Ulo'y sumasakit
Liwanag ay tinatabunan
Nababaliw lang dahan-dahan
Kasalana'y dumarami
Pwede wag kang makisali
Kamakailan lang ay aking napag-isipan
Na ang mga katulad mo ay dapat kalimutan
Bumalik kana sa iyong pinanggalingan
Demonyo sa aking isipan
Kung san masikip sisiksik walang ginawa
Kung hindi maghasik ng kadiliman
Ako'y sinasaniban, kunting gusot dumadami
Problema ay lumalaki, lumayas ka oh pwede
Diyos ako'y iyong tulungan
Ang demonyo'y pag-sabihan
Palayasin sa isipan ang kadiliman