notícias musicais

top 13 artistas

top 13 musicas

Confira a Letra Kung Puwede Lang

Sheryn Regis

Kung Puwede Lang

Inaamin ko naman na nagkasala ako
Aminado sa mga pagkakamaling nagawa ko
Sadyang magulo at baluktot ang pag-iisip ko
Nasaktan ko damdamin mo

At dahil sa kapabayaan ko, ako'y iniwan mo
Masakit harapin pero kailangan tanggapin
Na ika'y wala sa akin
Ngayon ako'y nagsisisi, pero huli na
Nasaan ka na, sinta? Magbalik ka sana

Kung puwede lang ibalik ang kamay ng orasan
Ibabalik ko ang panahon na tayo'y nagmamahalan
Pagkakataon na hinding-hindi ko na bibitawan
Kahapong punong-puno ng pagmamahalan
Kung puwede lang ibalik ang kamay ng orasan
Ibabalik ko ang panahon na tayo'y nagmamahalan
Pagkakataong hinding-hindi ko na bibitawan
Kahapong punong-puno ng pagmamahalan

Lumipas ang panahon, tuwing umaga't gabi
Tinig mo pa rin aking naririnig, naririnig

Kung puwede lang ibalik ang kamay ng orasan
Ibabalik ko ang panahon na tayo'y nagmamahalan
Pagkakataong hinding-hindi ko na bibitawan
Kahapong puno ng pagmamahalan

Ang aking dalangin, sana ako'y muling ibigin
Sana maibalik ang kahapon natin

Discografia