notícias musicais

top 13 artistas

top 13 musicas

Confira a Letra Sa Bingit Mg Isang Paalam

Sponge Cola

Sa Bingit Mg Isang Paalam

Sa isang tingin ko lang agad ko nang napupuna
Sa likod ng iyong ngiti at kung paano ka tumitig sakin
Tulad ng unang bituing iyong matatanaw
Sa nag-aambang dilim
Buong ningning pa rin kahit makain

Kinakailangan nga bang magtuos
Wala tayong dapat simulan
Ako'y kaharap mo't nandito ngayon
Sabihin kung ika'y naguguluhan

Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos
Sa isang saglit lahat malilipol
Di ko mahahayaan na walang magagawa
Ayaw kitang lumuhang nag-iisa

Pasensya na't ako'y muling nauutal
Bumabagal ang pintig
Humihinga naman ang aking dibdib
Hayaan mong hawakan ko ang iyong kamay
Upang mapawi ang lamig
Kung may init pang nararamdaman

Kailangan nating isiping lubos
Ano nga bang ating dahilan
Saan nga ba tayo nakatuon
Kay rami ng mga nagdaan

Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos
Sa isang saglit lahat malilipol
Di ko mahahayaan na walang magagawa
Ayaw kitang lumuhang nag-iisa

Kung meron lang ako ng pagkakataon
Sabihin sa iyo ang lahat

Kaya ngayon di na rin magtatagal
Matatapos ang gabi't ang nagdaa'y di na mananatili
Saan nga ba tayo nakatuon
Ano nga bang ating dahilan

Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos
Sa isang saglit lahat malilipol
Di ko mahahayaan na walang magagawa
Ayaw kitang lumuhang nag-iisa

Kung merong lang ako ng pagkakataon
Kung merong lang ako ng pagkakataon
Sabihin sa iyo ang lahat

Discografia