notícias musicais

top 13 artistas

top 13 musicas

Confira a Letra Sa Puso Ko

True Faith

Sa Puso Ko

Dapat nga bang sundin itong bulong ng damdamin
O, talinong nakamit, ito'y pinipilit
Huwag sumuot sa alanganin

Ang isa'y sinasabi
Sundin lang siyang palagi, takot ilagay sa isang tabi
Tuktok ay sumasakit
Dahil iginigiit na huwag kang mabulag sa pag-ibig

(Sa isip ko) Ay walang nakakasilip
(Sa puso ko) Ay mayrong nagsasabi

Ang payo ng ulo ay praktikal sa suliranin
"Huwag kang padadala sa tibok na iyong dala
Buksan na ang iyong mata"

Ngunit hindi patatalo
Ang puso'y may pambato, labis na pag-ibig
Maski anong panganib
Hinding-hindi sasanib sa utak na duwag at bingi

O, Diyos kong Maykapal
Ako nga ba ay hangal, masama ba ang magmahal
Dahil hindi na uurong
Ang pusong umuugong ng pagsambang walang kapalit

(Sa puso ko) Isa lang ang sinasabi
(Sa puso ko) Ikaw ang nagmamay-ari
(Sa puso ko) Isa lang ang sinasabi
(Sa puso ko) Ikaw lang ang nagmamay-ari
(Sa puso ko) Isa lang ang sinasabi
(Sa puso ko) Oh, ikaw lang sa puso ko

Tracker